Tunay ngang ang buhay ay hindi patas. Minsan and barko mo’y mabubutas habang ika’y nasa ginta ng paglalayag sa dagat na napakalawak. Ngunit magkaganon pa man, wag ka mag-alala, ako’y iyong salva-bida upang iahon ka. Pangako yan, at hinding hindi mapapako. Dumating man ang araw na kelangan kung lumayo para maghanap-buhay, kahit di tayo magkita, asahan mo sinta ko pagibig ko sayo’y ‘di mapapara.
Bagama’t hindi ako Hari, ikaw ang aking reyna sa buhay kong ito wala nang iba! Reyna ka at syang t’yak, pagkat ang puso ko ay iyong alipin at pagmamay-ari. Ano mang ipag-utos agarang susundin, wag lang kailan man hingin na ika’y lisanin pagkat kailan ma’y di magagawa, iyo sanang ipag paumanhin.
Sa hangin ako’y lilipad, sa tubig ako’y lulutang, maging sa lupa ako’y lalakad, ngunit sa’yo sinta ko, ako’y mahuhulog, diretso sa busilak mong pusong tanging sigaw ay AKO!
Hehe… 5 AM already. Maybe time for me to sleep. ‘til next time! ' Been for years since I last acted like makata. Hehe..
Only for YOU, Jonahtot ko!
No comments:
Post a Comment